Menod De Edad, Tinutukan ng Baril!

Santiago City, Isabela – Nadakip ng mga kapulisan ang isang lalaki matapos tutukan ng baril ang isang menor de edad na naglalaro sa loob ng PisoNet.

Kinilala ang biktima na si Jackson Sunico,disi syete anyos samantalang ang suspek na si Victor Casilao, kwarentay tres anyos, may asawa, magsasaka at pawang residente ng Barangay Tramo Malvar, Santiago City.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Santiago Station 1, naglalaro umano ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan sa nasabing PisoNet ng biglang pumasok si Casilao at tinutukan ng baril ang biktima dahilan upang ito ay maalarma at magtago sa bahay ng kanyang tiyahin.


Samatala agad namang nagsumbong ang tiyahin ng biktima sa tanggapan ng PNP Santiago Station 1 na agad namang rumisponde ngunit hindi na nadatnan ang hawak na caliber 45 ng suspek na ginagamit na pinantutok sa biktima.

Agad dinala si Casilao sa pulisya para sa kanyang kaukulang parusa.

Facebook Comments