Menor de edad, kalaboso matapos manakot gamit ang hindi lisensyadong baril

Taguig City, Philippines – Kalaboso ang isang Mark Nocup, 17 anyos makaraang manakot at magbitbit ng hindi lisensyadong baril sa Taguig City.

Si Nocum ay dinampot ng mga kagawad ng PCP 4 sa CastaƱas St., Barangay Central Signal makaraang ireklamo ng isang residente dahil sa sinasabing pananakot at pagdadala ng baril.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 22 na baril at 2 pirasong bala kaya’t sasampahan ito ng kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.
DZXL558


Facebook Comments