Menor de edad na babae at isang lalaking suspected pusher sa Pasay City, arestado sa buy-operation

38

Timbog ang dalawa hinihinalang tulak ng droga sa Pasay City matapos ang ikinasang buy-operation ng mga police pasado alas-onse kagabi.

Nakilala ang mga suspek na lalaking suspek na si Jonathan Cea Dozado, alyas Atan, 25-anyos at isang 16-years old na babae na parehong resident eng ng nasabing lungsod.


Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang 9 grams na shabu na may katumabs na halagang P61,200.00.

Narekober din ng mga police ang isang timbangan at ang perang ginamit bilang buy-bust money.

Nakapiit na ang lalaking suspek sa Souther Police Drugs Enforcement Unit Custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang ang menor de edad naman na babae ay dinala sa Pasay City Youth Homes.

Facebook Comments