MENOR DE EDAD NA NALUNOD SA SAN FABIAN, NATAGPUAN NA

Natagpuan na ang katawan ng menor de edad na nalunod sa baybayin ng Brgy. Nibaliw Narvarte, San Fabian.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mula pa sa Benguet ang biktima na nagpunta sa lugar kasama ang kanyang kaanak noong linggo.

Tinangay umano sa malalim na bahagi ng dagat ang biktima dahil sa malakas na alon habang naliligo kasama ang ilang kaanak.

Patuloy na nagpapaalala ang awtoridad na bantayan ang mga anak sa tuwing maliligo sa dagat upang maiwasan ang pagkalunod.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments