MENOR DE EDAD, NASANGKOT SABANGGAAN SA SAN JACINTO, PANGASINAN 

Isang 12-anyos na menor de edad ang nasangkot sa aksidente matapos bumangga ang minamaneho nitong tricycle sa kasunod na SUV sa San Jacinto, Pangasinan noong Nobyembre 1.

Batay sa ulat ng San Jacinto Municipal Police Station, binabaybay ng menor de edad ang kahabaan ng national highway nang biglang huminto ang SUV sa unahan.

Sinubukan umano nitong umiwas, ngunit sumalpok pa rin sa likod ng sasakyan.

Agad na dinala sa pagamutan ang menor de edad at ang drayber ng SUV para sa agarang lunas. Wala namang naitalang seryosong pinsala sa insidente.

Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang panig na sasagutin ng pamilya ng menor de edad ang napinsalang bahagi ng SUV.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga magulang na huwag hayaang magmaneho ng anumang uri ng sasakyan ang mga menor de edad, dahil delikado ito at labag sa batas.

Facebook Comments