Menor de edad, patay sa pamamaril sa Maynila

160

Manila, Philippines – Patay ang isang 17- anyos na out of school youth na si Marvin Galicio matapos barilin sa loob ng isang computer shop sa Gate 18, Parola Compound sa Tondo, Maynila kagabi.

Sa report ng MPD Homicide section, naglalaro lamang ang biktima sa pisonet cafe sa lugar nang may dumating na isang armadong lalaki at bigla na lang binaril sa batok ang biktima.


Tumakbo lamang papalayo ang di nakilalang salarin na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng sumbrero, gray na polo shirt, may taas na 5’7″ at tinatayang nasa edad 30-35. Wala namang nakakabit na CCTV sa lugar.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ng kanyang mga kaanak ngunit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa pamamaril.

DZXL558, Mike Goyagoy




Facebook Comments