Menor de edad, sugatan matapos pagbabarilin sa Baclaran

39

Manila, Philippines – Sugatan ang isang menor de edad matapos pagbabarilin
ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa kanto ng Bagong Silang at Bagong
Ilog Sa Baclaran, Parañaque City.

Isinugod sa ospital ang 17-anyos na biktima matapos tamaan ng bala sa
pisngi.

Ayon sa mga nakasaksi, naka-istambay lang ang biktima nang pagbabarilin ng
dalawang naka-motorsiklong lalaki kung saan nakatakbo naman ito sa loob ng
isang panaderya kaya’t tumakas na lamang ang mga suspek.

Nabatid na dati nang nakulong ang biktima dahil sa snatching at naimbitahan
na rin ng pulisya nang ilunsad ang oplan tokhang.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments