Menor de edad, sugatan sa pagsabog ng IED sa Midsayap, North Cotabato

56

North Cotabato, Philippines – Isang 16 anyos na tricycle driver ang sugatan
sa pagsabog ng isang Improvised Explosive Device sa bayan ng Midsayap,
North Cotabato.

Ayon kay C/Supt. Bernard Tayong, hepe ng Midsayap Police – bandang alas
4:30 kaninang madaling araw ng mangyari ang pagsabog sa paradahan ng
tricycle.

Agad naman dinala ng mga rumespondeng pulis sa pagamutan ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon kung saan wala pang umaako sa
nasabing pagpapasabog.

Facebook Comments