MENTAL DISORDER | Singer Mariah Carey, inaming dumanas ng bipolar disorder

Amerika – Inamin ngayon ng sikat na singer na si Mariah Carey na dumanas ito ng bipolar disorder.

Ayon kay Mariah, noong 2001 ng makaranas ito ng nasabing mental disorder at hindi niya ito inilabas sa publiko dahil sa takot na mawala ang kaniyang kasikatan kapag nalaman ito ng kaniyang mga fans.

Dagdag pa ng Pop Diva, agad naman siyang sumailalim sa gamutan at tiniyak naman ng mga doktor na gumaling na siya ng tuluyan.


Ang nasabing sakit ay ang biglaang pagpapalit ng mood ng isang tao at nagkakaroon ito ng mga sintomas tulad ng kalungkutan, galit, depresyon atbp.

Facebook Comments