Mental health ng mga sundalo, prayoridad din ng Philippine Army

Mas pinaigting ng Philippine Army ang kampanya nito para sa mental health ng mga sundalo.

Partikular na yung mga humaharap sa matitinding labanan at matagal na nawalay sa pamilya.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, maglulunsad ang hukbo ng isang proactive at comprehensive mental health program upang mapanatili ang mataas na moral, performance, at combat readiness ng mga sundalo.

Ilan sa mga pangunahing inisyatibo sa ilalim ng programang ito ay ang Operational Risk Management, Trauma Risk Management, Psycho-Spiritual and Emotional First Aid, at ang pagsasama ng mental health modules sa mga libreng pagsasanay para sa mga bagong recruit .

Layon ng programa na bigyang-lakas ang mga sundalo sa pagharap sa stress, mapanatili ang mataas na performance sa serbisyo at mapabuti ang kanilang combat effectiveness.

Facebook Comments