Meralco Bolts coach Norman Black, pinaalalahanan ang kaniyang players na huwag maging kampante sa kanilang semifinals series kontra Ginebra

54

Pinaalalahanan ni Meralco Bolts Head Coach Norman Black ang kaniyang mga players na huwag maging kampante sa magiging laban nila kontra Barangay Ginebra sa semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Black, ang koponan ng Ginebra ay maituturing niyang isang puzzle na dapat nilang malutas lalo na’t kadalasan ay may ilang players ito na biglaang nag-a-adjust o lumalabas ang husay sa laro kapag crucial na ang laban.


Ito ang ikalawang beses na nakarating sa semis ng Philippine Cup ang Bolts kaya’t umaasa sila na malulusutan nila ang Gin Kings upang makarating sa championship game.

Ang Meralco ang ika-16 na team sa history ng PBA na tumalo sa isang koponan na mayroong twice-to-beat advantage at kung matatandaan, hindi sila pinalad na manalo sa Ginebra noong Governor’s Cup.

Facebook Comments