Meralco Bolts, nasungkit ang unang panalo kontra Alaska Aces sa PBA Philippine Cup

31

Nasungkit ng Meralco Bolts ang una nilang panalo kontra Alaska Aces sa PBA Philippine Cup Clark Bubble.

Nanalo ang Bolts sa score na 93-81 kung saan nanguna sa panalo ng Meralco sina Allein Maliksi na may 17-points at Baser Amer na nag-ambag ng 15-points.

Ikinatuwa ni Meralco Head Coach Norman Black ang ipinakitang depensa ng kaniyang mga players lalo na’t nalimitahan nila sa single digit points ang ibang players ng Alaska maliban sa tandem nina Vic Manuel na may 18-points at Jeron Teng na may 25-points.

Aminado rin si Black na importante ang kada laro sa Clark Bubble at ang panalo nila ang nagbibigay ng kumpiyansa sa buong team ng Bolts sa kanilang pagharap sa Barangay Ginebra sa darating na Linggo.

Facebook Comments