Meralco Bolts, wagi kontra Talk N’ Text sa nagpapa tuloy na PBA Commisioners Cup

Manila, Philippines – Nilampaso ng Meralco Bolts ang Talk N’ Text Katropa sa kanilang pagtutuos sa PBA Commissioners Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

 

Pinangunahan ni Bolts point guard Baser Amer at power-forward Jared Dillinger ang kanilang opensa kasama ang lakas ng kanilang import na si Alex Stephenson na nagtala ng 20 points at 27 rebounds.

 

Hindi naman nagpatinag ang kabilang koponan at nakipagsabayan sa pamamagitan ng mga clutch plays ni Roger Pogoy na nagtamo ng 15 points sa kabuuan at ang power plays ng NBA veteran import player na si Louis Admunson na may 19 points at 18 rebounds.

 

Ayon kay Bolts head coach Norman Black – solido ang aming depensa kontra sa matinding opensa ng Talk N’ Text.

 

Dikit ang naging labanan ng dalawang koponan mula first hanggang second half ngunit mas naghari ang Bolts sa iskor na 94 -89.


Facebook Comments