Meralco, bukas sa pagpapalawig ng “no disconnection policy”

71

Bukas ang Manila Electric Company (Meralco) sa plano ng Energy Regulatory Commission (ERC) na palawigin pa ang no disconnection policy hanggang sa katapusan ng taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, nag-aantay pa sila ng guidelines mula sa ERC kaugnay ng naturang ekstensyon.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na handa silang sumunod sa kautusan ng ERC sa oras na mailabas na ang guidelines.

May mga konsiderasyon aniya silang inilatag para sa kanilang mga costumer.

Facebook Comments