Meralco, target ang ika-anim na panalo sa PBA Commissioner’s Cup

36

Manila, Philippines – Target ng Meralco Bolts ang ika-anim na panalo kontra Blackwater Elite sa PBA Commissioners Cup ngayong araw na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Meralco Bolt Coach Norman Black, magiging mahigipit ang kanilang team pagdating sa depensa at opensa.

Dagdag pa ni Norman, hindi sila papakampante dahil umano magaling ang kanilang mga makakalaban.

Matatandaang unang natalo ng San Miguel Beermen ang Meralco Bolts noong April 2 ngunit bumawi naman ang Bolts noong April 8 nang matalo nila ang koponan ng Alaska Aces sa score na 99-91.

Aabangan mamaya ang laban ng Meralco Bolts at Blackwater Elite mamayang 4:30 ng hapon at susundan naman ng Star Hotshots at San Meguel Beermen sa ganap na 6:30 ng hapon.
Nation”

Facebook Comments