Meralco wingman Jared Dillinger, ginawaran ng PBA press corps Player of the Week Award

16

PBA – Nasungkit ni Meralco wingman Jared Dillinger ang kanyang ikalawang sunod na PBA Press Corps Player of the Week award.

Ito’y dahil sa pambihirang performance nito sa PBA Governor’s Cup Finals sa ikalawang sunod na season.

Nakamit ni Dillinger ang average na 14 puntos, 3.5 rebounds at 2.5 assists sa nakaraang dalawang laro ng Meralco na kumumpleto sa kanilang three-game sweep kontra Star Hotshots sa semifinals.

Bukod dito, nagpamalas si Dillinger sa three-point arc.

Samantala, makakasagupa ng Meralco ang defending champion na Barangay Ginebra sa Governors’ Cup Finals rematch na magsisimula sa Biyernes sa Lucena City.

Facebook Comments