Metro Manila at pitong iba pang rehiyon, mahigpit na binabantayan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

29

Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang walong rehiyon sa bansa na may pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, Northern Mindanao, National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.


Sinabi ni Vergeire na anim sa mga rehiyon ang nagkaroon ng pagbaligtad ng trend partikular ang Region 2, 3, 4A, 7, 10 at NCR.

Napanatili ng CAR at Region 1 ang positive growth rates para sa nakalipas na anim na linggo.

Ang reproduction rate sa CAR ay 0.96, 1.09 naman sa Region 1, 0.95 sa Region 2, 1.12 sa Region 3, 0.98 sa Region 4A, 1 sa Region 7, 0.91 sa Region 10, 0.96 sa Region 11, at 1.009 sa NCR.

Sa buong bansa, ang reproduction rate ay nasa 1.0059.



Ayon kay Vergeire na ang dahilan ng pagtaas ng kaso ay case clustering.

Facebook Comments