Metro Manila at siyam pang lugar sa bansa, mananatili sa GCQ status

76

Mananatili ang National Capital Region (NCR) at siyam na lugar sa bansa sa General Community Quarantine (GCQ) sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang quarantine classifications ay magiging epektibo mula March 1 hanggang 31.


Kabilang sa mga lugar na mananatili sa GCQ ay ang:

  • NCR o Metro Manila
  • Apayao
  • Baguio City
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Batangas
  • Tacloban City
  • Iligan City
  • Davao City
  • Lanao del Sur

Ang mga lugar naman na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa Modified GCQ.

Facebook Comments