Metro Manila Council, handing-handa na sa pagsisimula ng pagpapatupad ng alert level system at granular lockdown ngayong araw

27

Handang-handa na ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pagsisimula ngayong araw ng pagpapatupad ng alert level system at granular lockdown.

Ayon kay Parañaque City Mayor at Metro Manila Council (MMC) Chairman Edwin Olivarez, nakapagpalabas na sila ng abiso sa mga nasasakupang establisyemento, barangay at simbahan hinggil sa pinapayagang kapasidad sa mga ito.


Aminado naman si Olivarez na posibleng magdulot ng kalituhan ang mga ipinatutupad na patakaran dahil unang beses pa lamang itong ipapatupad sa Metro Manila.

Sa ngayon, namigay na rin ng infographics ang mga lokal na pamahalaan para mas madaling maintidihan ang mga patakaran sa tamang pagpapatupad ng alert level system at micro-granular lockdown.

Facebook Comments