Metro Manila mayors, hihigpitan ang parusa sa mga lalabag sa health protocols

61

Palalakasin na ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang pagpapatupad ng COVID-19 health protocols na may mahigpit na parusa.

Ito ang pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng pulong nito kasama ang mga Metro Manila mayors sa ilalim ng Metro Manila Council (MMC).


Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mahigpit na ipapatupad ang mga ordinansa lalo na sa mga hindi nagsusuot ng face mask at hindi nasusunod ang social distancing.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments