Mga abusadong pulis, muling binalaan ni Gen. Torre

Walang ligtas ang sinumang pulis na lalabag sa karapatang pantao.

Ito ang mariing babala ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III kung saan kanya ring tiniyak na papanagutin ang mga abusadong pulis.

Ayon kay Torre malinaw ang panuntunan ng PNP na ang sinumang lalabag sa mga batas at regulasyon, lalo na kaugnay sa karapatang pantao, ay hindi palalagpasin.

Dagdag pa ni Torre, habang ang pulisya ay inaaksyunan ang mga reklamo ng publiko, may nakabantay namang Commission on Human Rights na magsisiguro na hindi umaabuso sa kapangyarihan ang mga alagad ng batas.

Kahapon, matatandaang bumisita si Torre sa CHR upang bigyang diin na katuwang nila ang Pambansang Pulisya sa pagtataguyod ng karapatang pantao.

Facebook Comments