Mga ahensyang nakatutok sa war on drugs, pupulungin ni VP Robredo  

Pupulungin ni Vice President Leni Robredo ang mga kaukulang ahensyang nakatutok sa war on drugs.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, nakatuon ang Bise Presidente sa mga susunod na araw kung paano ang magiging trabaho sa mga tanggapan gaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mahalaga aniyang may maayos na koordinasyon sa mga ahensyang ito.


Isinasapinal na rin ni Robredo ang kanyang rekomendasyon at iba pang proposals para sa pagpapabuti ng drug war.

Matatandaang tinanggap ni Robredo ang kanyang appointment bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Facebook Comments