Manila, Philippines – Susuriin ng Department of Education ang mga aklat na inisyu sa mga grade 8 student sa mga pampublikong paaralan.
Ito’y matapos mag-viral sa Facebook ang isang pahina na naglalaman ng diskriminasyon sa mga kababaihan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, iimbestigahan nila ang reklamo.
Handa aniya ang ahensya na itama kung mapatunayang may pagkakamali sa mga aklat at iba pang babasahin.
Nabatid na sa pahina ng isang grade 8 physical education book, mayroong sasagutang activity ang mag-aaral kung saan pinalilista nito ang mga salitang pwedeng itapat sa pagiging ‘masculine’ o lalaki at ‘feminine’ o babae.
Nagbigay ito ng halibawa partikular ang salitang ‘breadwinner’ para sa masculine habang ‘babysitter’ para sa feminine.