Mga aktibidad ng Mutya ng Pilipinas, kanselado dahil sa Coronavirus

34

Tuluyan nang kinansela ng Mutya ng Pilipinas ang kanilang mga aktibidad ngayong taon dahil sa Coronavirus pandemic.


Ayon sa organizer, nagdesisyon sila na kanselahin ang lahat ng aktibidad ngayong taon para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Itutuon na lamang nila ang atensyon sa pagsuporta sa frontliners at komunidad lalo na sa mga street children.

Tiniyak naman nila na tuloy pa rin ang kanilang pagtugon sa obligasyon na pagpadala ng beauty queens na magre-representa ng bansa sakaling magkaroon ng international titles sa pamamagitan ng virtual pageants.

Facebook Comments