MGA AKTIBIDAD PARA SA 2025 NATIONAL WOMEN’S MONTH, LALARGA NA

CAUAYAN CITY- Kasado na ang mga nakalatag na aktibidad para sa selebrasyon ng 2025 National Women’s Month sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng LGU Cauayan, kabilang sa aktibidad na isasagawa ay ang iba’t-ibang pagsasanay sa pagtatahi ng souvenir bags, pouches, wallet, mga damit, at pagsasanay sa start-up business na Kababaihang “OFW’s Kabuhayan para sa Kinabukasan” na gaganapin sa ika-4 ganggang ika-7 ng Marso.

Sa ika-8 hanggang ika-11 ng Marso naman ay isasagawa ang waste on wealth basura palit bigas para sa kababaihan habang sa ika-20 hanggang 21 naman ay sasailalim ang mga ito sa pagsasanay sa aquaculture.

Bukod dito, mabibigyan naman ng subsidy assistance ang mga solo parents sa ika-25 ng Marso.

Samantala, sa ika-25 hanggang 27 naman ay magaganap ang Women’s Month Trade Fair: Foods and Local Product Display sa Isabela Convention Center.

Facebook Comments