Mga aktibistang ikinadena ang sarili sa gate ng DENR, napaalis na

Manila, Philippines – Matapos ang halos walong oras na protesta, napaalis na sa harapan ng tanggapan ng DENR ang mga aktibista mula sa grupong Greenpeace Philippines.

Una rito, ikinadena ng dalawang lider ng grupo ang kanilang mga sarili sa gate ng ahensya sa Quezon City.

Ito’y bilang protesta laban sa naging desisyon ng Comission on Appointments na hindi pagkakapasa kay Gina Lopez bilang DENR secretary.


Alas dos kaninang hapon nang dumating sa lugar ang mga pulis saka pinutol ang kadena gamit ang bolt cutter.

DZXL558

Facebook Comments