MGA ALAGANG HAYOP NG MGA MAGSASAKA SA ASINGAN, NABIGYAN NG LIBRENG PURGA AT BAKUNA

Nabigyan ng libreng purga at bakuna ang mga alagang hayop ng mga magsasaka tulad ng kalabaw, baka, kambing, at tupa sa bayan ng Asingan.

Ito ay bilang suporta sa mga magsasaka sa bayan na mapangalagaan ang mga nakatutulong sa kanila sa paghahanap-buhay tulad ng mga hayop na kasangga nila sa pag-aararo at pagbabantay ng sakahan.

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ang naturang hakbang upang matiyak na ligtas mula sa iba’t -ibang sakit at maprotektahan ang mga alagang hayop.

Naglalayon rin ang naturang programa na maparami pa umano at mapabuti produksyon ng magagandang kalidad ng kalabaw, baka, at iba pang hayop na nakatutulong sa pansaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments