Mga anak ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles, sumalang sa arraignment

53

Manila, Philippines – Binasahan na ng sakdal ang mga kapwa akusado ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Hindi nagpasok ng ‘not guilty plea’ ang mga anak ni Napoles na sina Jo Christine at James Christopher Napoles sa mga kaso ng katiwalian na kinakaharap sa Sandiganbayan.


Nahaharap ang mga ito sa 97 na bilang ng kasong graft at 97 din na bilang ng kasong ‘malversation of public funds’ kaugnay sa pagda-divert ng P900-million Malampaya fund sa mga bogus na NGOs ni Napoles.

Sa halip ay si Associate Justice Bernelito Fernandez ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ sa mga anak ni Napoles gayundin sa mga kapatid nito na sina Reynald at Ronald Francisco.

Tulad din sa mga kaanak ni Napoles, tumanggi din na magpasok ng ‘not guilty plea’ ang bank manager na si Winnie Villanueva at ang korte na lamang ang gumawa nito sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers