Mga anti-US na Kilusang Mayo Uno, nagpa-abot ng pagbati kay US President-elect Joe Biden

297
COURTESY: KILUSANG MAYO UNO

Maging ang mga militanteng grupo na kilalang anti-US ay excited na rin sa pagpasok ng Biden administration.

Nagpa-abot pa ng pagbati ang mga ito kay Presumptive President Joe Biden.


Ayon sa Kilusang Mayo Uno, tagumpay umano ng mass movement ang pagkapanalo ni Biden na isang mahusay na mass organizer.

Ayon pa sa grupo, nakikiisa sila sa mga mamamayang Amerikano na nanindigan para sa pagbabago sa Estados Unidos.

Simula rin umano ito ng isang pagtutulungan ng US at Pilipinas sa paglaban sa pasismo.

Facebook Comments