Mga apektadong pamilya ng bagyong Quiel, pumalo na sa higit 20,000

Pumalo na sa higit 20,000 pamilya o 84,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Quiel sa Regions 1, 2 at sa Cordillera Administrative Region.

 

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, 937 pamilya ang nasa 41 evacuation centers sa Region 2 at CAR.

 

Aabot naman sa 2-milyong piso halaga ng ayuda ang naibigay ng ahensya sa mga apektadong pamilya.


 

Apat ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyo habang isa ang nawawala.

 

Lubog pa rin sa baha ang ilang kahabayan sa maraming bayan sa Cagayan.

 

Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya.

 

 

 

Facebook Comments