Mga armas, droga at drug paraphernalia, nakumpiska ng PDEA 10 sa isang kapitan sa Misamis Oriental

51

*Cagayan de Oro, Philippines – *Detinado ngayon sa Philippine Enforcement Agency o PDEA region 10 ang isang kapitan ng misamis oriental, matapos makuhaan ng ibat-ibang armas, at droga.

Nadakip ng PDEA10 si kapitan Obet Valmores ng barangay Cogon, Sitio Calacala, Balingasag Misamis Oriental at ang kapatid nitong si Rey Necito Valmores.

Nalaman na nakuha sa pamamahay ni Kapitan Valmores ang ibat-ibang klase ng armas, mga droga drug paraphernalias,isang samsung brand cellphone, at isang unit ng itim na Honda XRM motorcycle.

DZXL558, *Mishelle Enloran *

Facebook Comments