Mga Aspirant Athletes para sa 2021 Tokyo Olympics, posible nang mag-training muli sa Enero

62

Inihayag Philippine Sports Commission (PSC) na handa na sila dalhin ang Olympic aspirants na nasa bansa sa gym na may bubble set-up sa Inspire Academy sa Calamba City, Laguna sa Enero.

Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, naging maayos ang pag-uusap nila ng pamunuan ng akademya patungkol sa pagbabalik ensayo ng mga atleta na nais makasali sa 2021 Tokyo Olympics.

Aniya, hinihintay na lamang nila sa ngayon na aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Matatandaang natigil ang ensayo ng mga atleta simula nang mag-lockdown ang bansa noong kalagitnaan ng Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments