Mga atleta, mas lalong gaganahan sa SEA Games kung marami ang mga manonood

Iginiit ni House Committee on Youth and Sports Development Chairman Eric Martinez na mag-punta ang mga Pilipino sa mga sports venue na pagsasagawaan ng SEA Games.

Hiniling ni Martinez ang suporta para sa ating mga atleta upang ganahan sila ng husto at may mapaghugutan ng lakas ng loob at inspirasyon.

Bukod aniya sa maganda at pang-world class na opening ceremony nitong Sabado, mas lalong makakadagdag sa pagiging masigasig ng mga atleta na makuha ang ginto kung may nakasuporta sa kanila.


Hinimok ng mambabatas ang mamamayan na kung walang mga gagawin hanggang December 11 ay manood sa mga venues sa SEA games lalo na iyong mga malalapit lamang.

Kung maaari lamang din ay punuin ang mga venues at ipakita ang hospitality gayundin ang fighting spirit ng mga Pilipino.

Dag-dag pa ni Martinez, na maraming mga kababayan natin na nanood sa Philippine Arena ang naging emosyonal habang lumabas ng stage ang mga Filipino athletes dahil sa kabila ng mga negatibong balita at fake news ay namayani pa rin sa oras na iyon ang pagkakaisa.

Facebook Comments