MGA ATLETA NG DAGUPAN CITY, HANDANG-HANDA NA SA R1AA 2025

Handang-handa na ang mga atletang mag-aaral ng Dagupan City na sasabak sa ibat ibang isports sa 2025 Region 1 Athletic Association Meet.

Ayon kay Dr. Edil Abalos, isa sa head coach ng naturang Division, tinitiyak nila na nasa kondisyon umano ang pangangatawan ng lahat ng kanilang atletang mag-aaral.

Mayroon din umanong suporta mula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan pagdating sa kanilang mga kagamitan at iba pang pangangailangan.

Ilang atleta mula sa lungsod ang nagsabing excited ang mga itong sumabak sa palaro.

Patuloy pa umano ang kanilang pag-eensayo habang hinihintay ang araw ng kanilang laro at kompetisyon at malaki na rin umanong karangalan na mapasama at maging representante ng lungsod sa mga ganitong uri ng larong pangmalakasan.

Tiniyak naman ng LGU ng Bacnotan na siyang host sa palaro ang kaligtasan at maayos na daloy ng buong aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments