Mga atletang kinatawan ng Pilipinas sa Tokyo Olympics, dumating na sa Japan

Dumating na sa Japan ang ilang atletang kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Tokyo Olympics 2020.

Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), kabilang sa mga nakarating na ay ang pambato ng bansa sa weightlifting na si Hidilyn Diaz, Elreen Ando, Jayson Valdez, gymnast na si Carlos Yulo at taekwondo jin na si Kurt Barbosa.

Maliban sa mga ito, una nang nakarating ng Japan sina Eumir Marcial ng boxing at rower na si Cris Nievarez.


Aabot naman sa 19 na atleta mula sa iba’t ibang kategorya ang magrerepresenta ng bansa sa Summer Games.

Facebook Comments