Mga babae makakatikim ng libreng "ferry ride" bukas

38

Manila, Philippines – May libreng sakay ang Pasig River Ferry para sa mga babae bukas, March 8, araw ng Biyernes.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, ang libreng ferry ride ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng International Women’s Day.

Dagdag pa ni Lim, ito ay simpleng paraan lamang ng MMDA upang pasalamatan ang mga kababaihan at bigyan ng pagkilala ang kanilang kontribusyon sa komunidad at sa ating bansa.

Bukas ang Pasig Ferry mula alas 6:30 ng umaga hanggang alas 5:30 ng hapon mula Guadalupe Station hangang Plaza Mexico Station sa Intramuros, Manila.

Facebook Comments