Mga babaeng bihag ng Maute terror group, ginagawang sex slave sa Marawi City

Manila, Philippines – Pinipilit na magpakasal at ginagawang sex slave ang mga babaeng bihag ng Maute terror group sa Marawi City.

Ito ang napagalaman ng militar base na rin sa pahayag ng pitong bihag ng maute na na-rescue ng mga sundalo.

Sinabi ni joint task force Marawi City Spokesperson Lt Col Jo-Ar Herrera ito ang pinaka malalang nangyayaring ngayon sa mga bihag na malinaw aniyang gawa ng mga demonyong tao.


Sinisira aniya nila ang dignidad ng mga babaeng bihag.

Kaya naman sa panig ng tropa ng pamahalaan sisikapin nilang tapusin na ang giyera Laban sa Maute upang mailigtas ang mga bihag.

Facebook Comments