Naglabas ng listahan ang pamunuan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag na naglalaman ng mga bagay na hindi binabasbasan ng simbahan bilang paalala sa mga deboto.
Kabilang sa listahan ang agimat, evil-eye, red bracelet, fashion accessories na walang layuning pananampalataya, at imahen ng Sto. Nino de la Suerte na karaniwang makikita na may hawak na pera o nakasuot umano ng berde.
Kasabay nito ang paalala ng simbahan sa tunay na diwa ng pagbabasbas o blessing na hindi pagtalikod sa lumikha bilang proteksyon upang hindi maligaw sa paniniwala.
Samantala, suhestyon naman ng ilan ang pagbabawal o pagtatakda ng regulasyon sa ilang parokya, manlalako partikular sa labas ng simbahan dahil sa pagbebenta umano sa ilang mga nabanggit na hindi binasbasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣