Mga bagong abogado sa bansa, hinikayat ng liderato ng Kamara na itaguyod ang hustisya, karapatang-pantao at pag-unlad ng bansa

Pinayuhan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga bagong abogado na protektahan ang karapatan ng kanilang kapwa, itaguyod ang hustisya, tumulong sa pagpapa-unlad ng bansa at magserbisyo ng mayroong integridad at malasakit.

Mensahe ito ni Romualdez, kaakibat ng mainit nyang pagbati sa mga bagong nakapasa sa Bar Exam.

Ayon kay Romualdez, hindi lang magagaling na abogado ang kailangan ng bansa ngayon kundi may prinsipyo at may malakas na hangarin na maglingkod sa mamamayan.


Umaasa si Romualdez na ang karera ng mga bagong Bar passers ay hindi lang magbibigay ng karangalan sa kanilang pamilya at propesyon kundi sa ating bayan din.

Facebook Comments