MGA BAGONG BOTANTE SA BAYAN NG ASINGAN, NASA HIGIT 1K NA

Nakapagtala ng nasa 1,286 na mga bagong botante ang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng satellite voters’ registration bayan ng Asingan ayon sa COMELEC.
Hinikayat pa ang ibang residente na magparehistro na dahil hanggang sa 31 na lamang ng Enero ang voters’ registration.
Samantala, nasa dalawang huling satellite registration na lamang ang natitira na gaganapin sa Barangay Carosucan Sur at Brgy. Bantog habang ang mga susunod pang registration ay gaganapin na sa COMELEC Asingan sa mga nakatakdang schedule ng araw.

Paalala ng tanggapan, kailangang magparehistro na para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon dahil hindi na sila magbibigay ng extension para sa pagpapa-rehistro. |ifmnews
Facebook Comments