Mga bagong gumaling sa COVID-19 sa PNP, mas marami kumpara sa bagong kaso ng nagkasakit

25

Dumadami ang mga gumagaling kumpara sa mga bagong kaso nang tinamaan ng COVID-19 ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, 37 ang mga bagong galing sa kanilang hanay kaya umabot na sa 8,981 recoveries ang naitala.


Habang 26 naman ang mga bagong kaso.

Anim dito mula sa Central Luzon Police, lima sa CALABARZON, apat sa Bangsamoro Police, tig-dalawa sa National Operations Support Unit at Ilocos Police, at tig-isa sa National Headquarters, National Capital Region Police Office (NCRPO), MIMAROPA, Bicol, Zamboanga, Cordillera at Davao Police.

Kaya naman umabot na sa 9,332 na ang kabuong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Nananatili naman sa 28 ang bilang ng mga nasawing PNP personnel dahil sa COVID-19.




Facebook Comments