Mga bagong halal na Senador, may gagamitin ng kwarto sa Senado

156

Sa pamamagitan ng raffle o bunutan ay natukoy na ang mga gagamiting kwarto sa Senado ng mga bagong halal na Senador.

Napunta kay Senator-Elect Imee Marcos ang kwarto ni outgoing Senator Antonio Trillanes sa 5th floor na kanina ay kanya ng binisita.


Para mabasbasan, ay plano ni Marcos na pasayawan ito sa mga Igorot sa kanyang probinsya kasabay ang pagbibiro na iimbitahan pa niya si Trillanes na makisayaw na rin sa mga Igorot para maging lubos ang pagbasbas.

Nabunot naman ni Senator-Elect Bato Dela Rosa ang Extension Office ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na bagamat maayos at positibo ang dating ay kanya pa ring ipapa Feng Sui.

Nakwento pa ni Dela Rosa na noong hepe pa sya ng Philippine National Police ay kanya ding pina-Feng Sui ang kanyang opisina kaya hindi sya napabagsak noon.

Mapupunta naman kay Senator-Elect Christopher Bong Go ang iiwang kwarto ni outgoing Senator Gringo Honasan na balak din niyang ipa Feng Sui.

Sabi ni Go, Maraming mga interior designers ang nag aalok ng serbisyo sa kanya pero hindi na niya tinanggap dahil magastos.

Si Senator-Elect Francis Tolentino naman ang gagamit ng kwarto ni outgoing Senator JV Ejercto na sinilip na rin niya kanina.

Sina Marcos, Dela Rosa, Go at Tolentino at kanilang mga staff ay dumalo din sa orientation na isinagawa ng tanggapan ni Senate Secretary Myra Villarica kanina.

Sa orientation ay tinalakay ang pangkalahatang mga patakaran sa senado, proseso ng paggawa ng panukalang batas, at iba pang detalye o sistema sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments

From Advertisers