Mga bagong-halal na senador, may kanya kanya ng panukalang batas na planong isulong

 

Sa nalalapit na pagbubukas ng 18th Congress ay may mga panukalang batas nang planong isulong sina Senators Elect Imee Marcos, Bong Go, Bato Dela Rosa at Francis Tolentino.

 

Prayoridad ni Marcos na tutukan ang mga  panukalang batas na may kinalaman sa local government, barangay, sangguniang kabatan, at value added tax.

 

Target naman ni Go na makapaghain ng panukala para itaas ang sahod ng mga guro.


 

Tiniyak naman ni Dela Rosa ang pagsusulong sa panukalang ibalik ang death penalty lalo na sa mga sangkot sa ilegal na droga.

 

Ihahain naman ni Tolentino ang panukalang batas para sa disaster management at pagbuo ng kagawaran na tutuok sa pangangasiwa ng tubig.

Facebook Comments