Mga bagong nominee ng P3PWD party-list, inaprubahan na ng COMELEC en banc

44

Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang substiutusyon sa mga naunang nominado ng P3PWD party-list.

Sa pamamagitan ng majority vote ng Comelec ay tinanggap ng komisyon ang pag-atras ng mga naunang listahan ng nominees at ang bagong listahan ng mga nominees ng party-list.

Kasama sa listahan si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar.


Dahil dito ay uupo na bilang kongresista sa papasok na 19th Congress si Guanzon dahil sa ito ang itinalagang 1st nominee ng P3PWD.

Facebook Comments