Mga bagong pinuno ng CHED at SEC nanumpa na sa pwesto

Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) na si Shirley Agrupis.

Si Agrupis ang itinalagang kapalit ni former CHED Chairman Prospero De Vera III matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang kanyang courtesy resignation.

Bago ang pagkakatalaga, si Agrupis ay nagsilbi nang CHED Commissioner.

Tinutukan niya ang local probiotics, panganib sa pagdropout sa kolehiyo, at international collaborations

Samantala, nanumpa na rin bilang Chairperson ng Securities and Exchange Commission (SEC) si Francis Lim.

Pinalitan niya si former SEC Chairperson Emilio Aquino na nagtapos ang termino noong June 5.

Facebook Comments