
Cauayan City – Pormal nang ipinroklama ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ang mga nanalong opisyal ng lalawigan matapos ang mapayapa at maayos na halalan.
Itinanghal na panalo sina Representative Timothy Cayton na may 100,291 boto, Governor Jose Gambito na may 151,517 boto, at Vice Governor Eufemia Ang Dacayo na may 96,129 boto.
Para sa Sangguniang Panlalawigan sa South District, nanalo sina Luisa Corazon Cuaresma, Clem Cadoy, Leah Tidang, EJ Galanta-Martinez, at Pablo Kindot.
Samantala, sa North District, ipinroklama sina Eunice Galima-Gambol, Atty. John Severino Bagasao, Atty. Primo Percival Marcos, Wilson ‘Ayuda King’ Salas, at Flodemonte Gerdan.
Facebook Comments