Mga bahay na inokupahan ng grupong KADAMAY sa Pandi-Bulacan, ipinagkaloob na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nagdesisyon na si Pangulong RodrigoDuterte na ipamigay na lang sa grupong KADAMAY ang mga bahay na inokupahan nilasa Pandi, Bulacan.
 
Sa kanyang talumpati sa 120th anniversary ng PhilippineArmy, sinabi ni Pangulong Duterte na babawi na lang siya sa mga sundalo atpulis na tunay na nagmamay-ari ng mga bahay sa Bulacan.
 
Kasabay nito ay naki-usap naman si Pangulong Duterte samga miyembro ng KADAMAY na huwag nang guluhin o paalisin ang mga sundalo atpulis na naroon na sa itinayong pabahay.
 
Dagdag pa ng pangulo, may ibibigay siyang bagong pabahaysa mga sundalo at pulis sa Disyembre.
 
Itinanggi naman ni Duterte na kinukunsinte niya angnaging pag-aagaw ng bahay ng militanteng grupo.

Facebook Comments