Mga bakitos laban kay Pangulong Duterte, walang epekto sa pagtitiwala ng publiko dito

75

Manila, Philippines – Ipinamukha ngayon ng Palasyo ng Malacañang sa mga bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa kabila ng mga balitang lumalabas laban sa administrasyon at sa Pangulo ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagtitiwala sa Pangulo at naniniwala sa performance ng Pangulo.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa resulta ng suvey ng Pulse Asia na halos 8 sa bawat 10 Pilipino ang nagtitiwala at naniniwala sa performance ni Pangulong Duterte na ginawa noong March 15-20.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa kabila ng mga issue na ibinabato laban sa Pangulo ay hindi pa rin nawawala ang sentimyento ng mga Pilipino na hindi naksyunan ng mga nakaraang administrasyon.

Patunay lang din aniya ito na ang mga atake kay Pangulong Duterte ay walang basehan at malisyoso.

Facebook Comments