Mga bakuna, hindi dapat pinagkukumpara – PFV

38

Muling pinawi ng ilang eksperto ang mga agam-agam tungkol sa COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) Executive Director Dr. Lulu Bravo na hindi dapat ikumpara ang mga bakuna dahil iba-iba ang naging basehan ng mga ito at ang mahalaga ay ang rekomendasyon ng mga dalubhasa.


Aniya, mainam nang magpabakuna ngayon para maging protektado laban sa COVID-19 kaysa tumaas ang tyansa ng pagkakaroon ng sakit.

Tiniyak naman ni Bravo na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga COVID-19 vaccine.

Facebook Comments