Mga balak magbenta online, pinayuhan ng isang Online Seller, Fitness Guru, Professional Event Host

Malaki ang naging epekto sa mga Pilipino ng COVID-19 pandemic lalo na sa usaping pangkabuhayan.

Pero karamihan sa kanila ay hindi nawalan ng pag-asa para lumaban sa pamamagitan ng pagbuo ng maliliit na negosyo tulad ng online selling.

Isa sa kanila si Jill Ngo, Fitness Guru at Professional Event Host at may-ari ng “Goddess Goodies”.


Sa programang Usapang Trabaho ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Ngo na malaking tulong ang online selling para sa dagdag na pagkakakitaan ng pilipino.

Malaking bagay na rin aniya ito sa mga matagal nang nasa larangan dahil kikita ang lahat kung may kalakip na sipag.

Sa ngayon, malaking bahagdan na ng mga Pilipino ang pumasok sa pagbebenta online.

Kaya sa mga nais sumubok at nagbabalak, puhunan lang ang sipag, tiyaga at determinasyon para makatulong sa pamilya at mapaunlad ang sarili.

Facebook Comments